Wednesday, January 16, 2008

ESCO PANGALAWA

Esco, tugunan mo ang alinlangan ko saan man dako ka napadpad. Ang pakikipagtalik sa kaibigang matalik ay magbunga kaya ng pagibig na wagas? Ang siklab ng damdamin kaya ay naglilingas gawa ng pagkiskis ng mga tuhod at pagsayad ng mga bisig? Lalo na kapag ang mga mata ay kumandado ng buong dikit na walang kapuwang puwang, kapuknat puknat, o di kaya ay walang kakisap kisap.

No comments: